Saturday, December 18, 2004

Bagsak... Lagpak... Salpak...

Hey... How are you blogger? (Ano ba yun?) Anyway... I had a very exhausting time for the first two months of this semester...

Sa JPIA... Pinagalitan kami ni mam eden dahil sa hindi namin nagagampanan na maigi yung mga responsibilities namin sa JPIA. Ako, personally, alam kong I was not able to give my very best for my social service job... Well, I can't back out coz I chose to do it. Thus, I must stand firm on my decision and words... Para kasing failure yung first semester na status ng JPIA... And I think its because of me... Hmmmm... Ewan ko lang din... O siguro lang masyadong mataas ang expectations sa aming mga present members of the executive board ng JPIA that's why ganun yung nangyayari... Maybe we also tried to do our best, yun nga lang, our best is not good enough... (Kanta ba toh)... Hehehe...

In Academics naman, ang dami kong major na talagang pinahihirapan ako... Sa Advanced Accounting eh talagang nahirapan ako sa mga naunang lessons... Madali lang naman talaga siya kung iisipin kasi dati pa namin yun lesson... Its just that I did not give enough effort to study in that subject coz I thought its just a review ng mga alam ko na dati... Inisip ko na baka pwede na ang stock knowledge... And I failed... Hindi pala... Mas kailangan ko pala na mag-aaral dahil first year pa nga pala ako nun at hindi ko na maalala... ang pangit nga ng start ng class ko dun sa subject na yun eh... Bagsak ako dun sa Partnership and Corporation Accounting... Hindi pa nga pumasok ng 60% eh... Kainis talaga... But even though, it was compensated naman ng mga exams ko sa Joint Venture and Consignment Accounting... Maganda kasi yung mga results ng exams ko dun... Nga pala si Mam Elma Mallorca and teacher ko dun.

Next is Cost Accounting... medyo nahihirapan din ako dun sa subject na yun kasi medyo mahirap talaga... lalo na kapag hindi ka nakapagbasa ng buk... Eh diba hindi nga ako mahilig magbasa lalo na kapag tinatamad... Mas gusto ko kasi yung pinakikinggan... Tapos saka ko lang babasahin kapag may part na hindi talaga maintindihan... So far, okey naman yung mga exams ko dun. Its just that I think I did not reach my expectations... hehehe... Kasi diba humahabol ako sa scholarship...

Ang pinakahirap ako sa mga subjects ko ay ang Financial Management... Grabe... Alam nyo po ba kung ilan lang ako sa Prelim exams ko dito? 45%... Nakakahiya kasi isinasama pa naman nila ako sa ACPACI tapos bagsak naman pala ako sa exam... Alam mo yun... Parang la akong karapatan... Kasi yung huling part ng lessons eh hinding-hindi ko talaga naintindihan... As in... Nanghuhula na nga lang ako nung exam eh... Too bad, mali-mali ang mga hula ko kasi hindi naman talaga ako magaling manghula.

I am also taking Taxation na isa pang pasaway sa mga subjects ko... Ang hirap talaga nun... kainis... talaga... Kasi alam mo ba na ang prelim term namin ay umabot sa halos 3/4 ng libro... Grabe... Hindi ko man lang nga nasaulo yung mga ibang terms na dapat kong sauluhin eh... Nakakainis.

Sa Business Law naman, yung Law on Partnership and Corporations... medyo o talagang terror ang prof namin pero masayang kausap. Napakabait nya at considerate. Ang problem ko nga lang eh kung ano ang nangyayari sa mga exams ko sa kanya... Di kasi mataas ang mga nakukuha kong grades... hehehe... Tapos nakakatakot pa yung mga recitation namin sa kanya... As in... Hehehe...

Sana sa kabila ng mga pagbagsak ko at paglagpak sa mga exams, recitations, expectations, goals, at iba pa eh makayanan ko pa ring habulin ang grades sa midterm at finals tapos maabot ko pa rin yung scholarship ko... At least matutulungan ko pa rin yung parents ko.


No comments: