Thursday, June 10, 2004

This is the best!!!

I attended the ECHO-LTS seminar... Masasabi ko, this is the best! I learned a lot! We had the best group (well, i suppose)... Ang galing... At ang dami kong nakilala... May mga bago akong kaibigan at kasama in serving others. I have new friends from the CBASC and from other organizations in the College.
Natutuhan ko yung tamang attitude ng isang leader... Na dapat laging present yung pagtutulungan sa isang grupo... Yung camaraderie at cooperation... Yung sensitivity ng bawat isa... and most of all, yung faith mo sa kapwa mo leader and syempre pati sa mga members.
May isang bagay na nabago din sa akin... Dati kasi eh hindi ako madaling magtiwala sa tao... Alam nyo yun... Pero because of an activity which is yung TRUST WALK, natuto akong magtiwala sa iba na hindi nila ako ipapahamak. Nakapiring ako na lumalakad kasama yung ibang team members. Ako ang leader at nakahawak lang sila lahat sa likod ko. From the CTH Kubo hanggang sa 5th floor ng CBA eh naglakad kami ng nakapiring at ang tanging sinusundan ko lang eh yung tunog ng palakpak ng facilitator. Ang galing nga kasi nakakasunod ako at ibinigay ko na talaga sa kanya yung tiwala ko... Ayun, we came safe sa taas ng building. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko yun eh.
Ang galing talaga...

No comments: