Thursday, June 17, 2004

Law...

"Find your destiny... Serendipity..."

I had my first class in law yesterday... Naiinis ako sa sarili ko kasi pinayagan kong talunin ng takot yung confidence ko na makapagsalita sa harap ng professor... Natatakot kasi ako sa prof namin...

Ako ang kaunahang tinawag sa aming mga Accountancy majors... Eh natakot talaga ako dahil sa mga kwento... Pero nag-aral ako talaga... In fact, gabing-gabi na nga ako natulog dahil sa pag-aaral dun eh... Although I admit na meron akong mga ilang hindi naintindihan. Tapos tinanong na ako... Dahil sa kaba ko eh hindi ko masabi yung sagot... Sayang talaga... Alam ko pa naman sana.. Kasi pinadistinguish sa akin yung MORAL LAW at saka yung NATURAL LAW. Pinagaraan ko yun eh. Kaso parang nawala lahat nung nakatayo na ako sa harapan ng professor.

Sana hindi na maulit yung nangyari... Promise ko sa sarili ko na pag-aaralan kong mabuti yung law at hindi ko na hahayaan pang maulit yung bagay na yun... Kasi, nahihiya talaga ako dahil alam ko ring malaki ang expectations sa akin ng iba saka parang fall para sa akin yun...

Buti na lang pala at nandyan sina Tristan, Divine, Jobelle, Dez, Gena, Jojo, Kris, Natz, saka iba ko pang tropa and classmates para icomfort ako... Salamat talaga! At least nawala yung lungkot na nararamdaman ko...

No comments: