Saturday, December 18, 2004

Bagsak... Lagpak... Salpak...

Hey... How are you blogger? (Ano ba yun?) Anyway... I had a very exhausting time for the first two months of this semester...

Sa JPIA... Pinagalitan kami ni mam eden dahil sa hindi namin nagagampanan na maigi yung mga responsibilities namin sa JPIA. Ako, personally, alam kong I was not able to give my very best for my social service job... Well, I can't back out coz I chose to do it. Thus, I must stand firm on my decision and words... Para kasing failure yung first semester na status ng JPIA... And I think its because of me... Hmmmm... Ewan ko lang din... O siguro lang masyadong mataas ang expectations sa aming mga present members of the executive board ng JPIA that's why ganun yung nangyayari... Maybe we also tried to do our best, yun nga lang, our best is not good enough... (Kanta ba toh)... Hehehe...

In Academics naman, ang dami kong major na talagang pinahihirapan ako... Sa Advanced Accounting eh talagang nahirapan ako sa mga naunang lessons... Madali lang naman talaga siya kung iisipin kasi dati pa namin yun lesson... Its just that I did not give enough effort to study in that subject coz I thought its just a review ng mga alam ko na dati... Inisip ko na baka pwede na ang stock knowledge... And I failed... Hindi pala... Mas kailangan ko pala na mag-aaral dahil first year pa nga pala ako nun at hindi ko na maalala... ang pangit nga ng start ng class ko dun sa subject na yun eh... Bagsak ako dun sa Partnership and Corporation Accounting... Hindi pa nga pumasok ng 60% eh... Kainis talaga... But even though, it was compensated naman ng mga exams ko sa Joint Venture and Consignment Accounting... Maganda kasi yung mga results ng exams ko dun... Nga pala si Mam Elma Mallorca and teacher ko dun.

Next is Cost Accounting... medyo nahihirapan din ako dun sa subject na yun kasi medyo mahirap talaga... lalo na kapag hindi ka nakapagbasa ng buk... Eh diba hindi nga ako mahilig magbasa lalo na kapag tinatamad... Mas gusto ko kasi yung pinakikinggan... Tapos saka ko lang babasahin kapag may part na hindi talaga maintindihan... So far, okey naman yung mga exams ko dun. Its just that I think I did not reach my expectations... hehehe... Kasi diba humahabol ako sa scholarship...

Ang pinakahirap ako sa mga subjects ko ay ang Financial Management... Grabe... Alam nyo po ba kung ilan lang ako sa Prelim exams ko dito? 45%... Nakakahiya kasi isinasama pa naman nila ako sa ACPACI tapos bagsak naman pala ako sa exam... Alam mo yun... Parang la akong karapatan... Kasi yung huling part ng lessons eh hinding-hindi ko talaga naintindihan... As in... Nanghuhula na nga lang ako nung exam eh... Too bad, mali-mali ang mga hula ko kasi hindi naman talaga ako magaling manghula.

I am also taking Taxation na isa pang pasaway sa mga subjects ko... Ang hirap talaga nun... kainis... talaga... Kasi alam mo ba na ang prelim term namin ay umabot sa halos 3/4 ng libro... Grabe... Hindi ko man lang nga nasaulo yung mga ibang terms na dapat kong sauluhin eh... Nakakainis.

Sa Business Law naman, yung Law on Partnership and Corporations... medyo o talagang terror ang prof namin pero masayang kausap. Napakabait nya at considerate. Ang problem ko nga lang eh kung ano ang nangyayari sa mga exams ko sa kanya... Di kasi mataas ang mga nakukuha kong grades... hehehe... Tapos nakakatakot pa yung mga recitation namin sa kanya... As in... Hehehe...

Sana sa kabila ng mga pagbagsak ko at paglagpak sa mga exams, recitations, expectations, goals, at iba pa eh makayanan ko pa ring habulin ang grades sa midterm at finals tapos maabot ko pa rin yung scholarship ko... At least matutulungan ko pa rin yung parents ko.


Wednesday, November 17, 2004

Hirap ng ganto...

HAAAYYYY!!!... It has been so long since I last post a blog in this journal... Dami na nangyari... Hindi ko na alam kung saan sisimulan... I had become very very very busy these past few months... Mga accounting works and assignments, mga reports, not to mention the number of times na nagpunta kami sa Makati and Ortigas to conduct interviews and researches... Grabe talaga! I did not even have time for myself and my girlfriend... That's why...

WE BROKE UP! Yeah... We broke up two days before the classcard distribution... I don't know... Siguro talagang bad lang ako or hindi ko pa kayang ihandle ang relationship... Or maybe there is other reasons I could not tell to anybody except to those who are closestssss to me... Yan, daming s ha... Ibig sabihin, yun lang mga taong malapit na malapit lang sa akin ang nakakaalam kung ano pa yung ibang reason... I think I just made the right decision why I broke up with Cheng... Why?
I think its the best alternative than by staying with her in a relationship that I know and I think will not work that good for the two of us... I don't what it to be in a way that she is the only one keeping the flame within the relationship glowing... I don't want that... What I want kasi is something wherein both of us is working... Kumbaga give and take... Eh kaso ang nangyari lalo na nung mga latter part eh take lang ako ng take... Siya lang kasi yung lumalabas na concerned pa sa partner... Hmmm... I was concerned... I really was... But the thing is "Action speaks louder than voice" and I was not able to put it into action... Kumbaga puro sa salita ko lang nasasabi... I know nahihirapan siya and ayoko ng ganun... Aaminin ko, mas priority ko ang studies ko... Kasi dun umaasa ang parents ko... And if I won't hold on with that priority, I might lose my scholarship... Marami pa namang oras... After college and after I become successful, saka na lang yan... Just don't know kung ganun nga... Ang gulo noh...
Second reason ko is that I missed my barkada, MYTROPA... Hindi na kasi ako masyadong nakakasabay sa kanila sa lunch or nagkakaroon ng time para makipagusap sa kanila... Hindi ko kasi matiis na hindi gawin yung mga bagay na ginagawa ko dati nung la pa akong gf... Yung pakikipagchat sa mga kaibigan ko sa ROTONDA sa La Salle... Ewan ko ba! Siguro nga I'm not yet ready... When would I? I don't know... "Time will come, I'll be..." I think all I have to do is wait.... wait... and wait...
Third and the most significant reason kung bakit ko yun ginawa is I think what I felt about her is just enfatuation... Tama ba yung spelling? Hehehe... I don't know... Nun kasing time na yun eh I'm still in a state wherein I'm finding LOVE... Hindi naman para macompensate yung broken love ko kundi para muli kong maexperience yung LOVE na yun... 2 years kasi akong nawalan ng gf eh... Since malapit ka pa rin sa akin... I'll admit it! Hindi pa rin nawawala ang LOVE ko para kay Ronalynne... Ewan ko ba kung ano nakain ko at hanggang ngayon eh nafifeel ko pa rin yung LOVE ko sa kanya... Nakakainis kasi ayaw mawala... Nagseselos ako kapag smay nakikita akong kasama siya na iba lalo na nung nakita kong naging close sila ni PIOLO... Kainis... Hindi ko maexplain... Pero hindi ko naman pwedeng ssabihin yun kay Cheng dahil alam kong magagalit siya at iisipin niyang niloko ko lang siya... Kaya ko naman kasi yun ginawa (BREAK UP) ay dahil ayaw ko ng palakihin pa yung burden or lalo pang magkamali... I wanted to finish the relationship already dahil ayaw kong lokohin si CHENG... Mahal ko siya... Oo... At dahil dun, ayaw kong masaktan yung damdamin niya lalo pa't alam kong hindi ko kayang ibigay yung binibigay niy sa akin na pagmamahal...
Ang hirap ng kalagayan ko... Or baka ako lang nagpapa-complicate... Ewan ko ba... Naaalala ko tuloy yung sa spider man na "LOVE should never be complicated. You should not keep it inside cause it will make you sick..." and it did... It made me sick... Lagi ko kasing naiisip... Haaaayyyy...

Long Long Time...

"Find your destiny... Serendipity..."

Friday, August 20, 2004

Mahirap... Malungkot... Masaya...

"Find your destiny... Serendipity..."

MAHIRAP...
I had a very hectic schedule this past few days or should I say months... Grabe! Halos 3 hours na lang ang tulog ko... Siguro ganun nga talaga kapag estudyante... Ako din naman ang magbebenefit nito in the future...

We went to Prudential Bank Main Office sa Ayala and Securities and Exchange Commission to get some information about our project sa Accounting. The topic is Business Combination... And yun nga yung Combination ng Pilipinas at Prudential Bank ang naisip namin ng mga ka-group ko... We spent a lot sa SEC sa pagkuha ng documents na kailangan namin.... Kala nga namin eh parang photocopy lang ang bayaran dun... Yun pala, para kang napaprint sa computer center... Pero okey lang kasi satisfying naman ang service dun sa government office na yun eh... Ang problem na lang namin is sa Prudential Bank dahil ayaw nilang maglabas ng information tungkol sa company... Thus, hindi namin makukuha yung kinakailangan naming information... Kainis nga eh...

MALUNGKOT...
Change topic... Nawalan ako ng wallet sa loob ng room ko sa class... Sayang nga eh... at nakakainis dahil I wasn't expecting na kung mawawalan man ako ng wallet eh sa room pa mangayari which only means that only one of my classmates ang gumawa nun... Lam nyo yun?!? Nakakawalanggana kapag alam mo na merong nakikipaglokohan sayo sa loob ng room... Nakakawala rin ng trust... Buti nga kahit papaano eh tinulungan ako ng mga tropa ko by comforting me and syempre ng girlfriend ko by giving me hope na maibabalik pa yon although hindi na possible ang na I can deal with such a problem...

MASAYA...
I haven't tell you nga pala... I already have a girlfriend. Her name is Rhocell... She is my classmate since 2nd year... Mabait, loving, trustworthy, caring, thoughtful, and friendly siya na tao... She loves me a lot and I love her too... Very much... Sa kanya ko nakita yung tunay na love na hindi ko nakita sa gf ko dati... I hope na magtagal kami at makayanan namin ang mga problems na maeencounter namin... By the way, katatapos lang ng 1st monthsary namin... Its last August 12... Birthday nya nung naging kami... Ang saya noh... Dati ko pa siya crush... Mga vacation nagstart and then naging kami... Ang sarap nga ng feeling eh.. Although somewhat nakakapanibago... Basta ang alam ko eh masaya ako sa nangyayari sa akin...

ByE..bYe...ByE...bYe...ByE...bYe...ByE...bYe...

Tuesday, June 22, 2004

Hay...

"Find your destiny... Serendipity..."

Nakakapagod... Talaga... Naiinis na nga ako kasi lagi0lagi na lang akong may ginagawa. Katatapos lang ng exam ko sa LAW saka sa AUDITING THEORY. Nakakainis kasi 2 days kong napag-aralan yung Auditing tapos 14 lang ang score ko. Tapos yung sa law eh okey lang naman. Kaso, yung sa bonus question eh mali kasi hindi pala unconstitutional yung law na binigay sa akin ni Lou Ann... Pero okey lang...

I am so exhausted! Kasi naman gabing-gabi na ako natutulog para mag-aral. Tapos isama mo pa yung mga obligations and responsibilities ko as JPIA. Ang hirap talaga. Wala na akong pahinga! Sa bagay, kelangan ko naman talaga yun. Saka, pinasok ko yun syempre, kailangan kong i-face yung mga consequences na yun. Diba?

I have problems regarding my position in the PCG (Peer Counselors Group). Kasi parang hindi ko na kaya na ma-maintain yung responsibility ko bilang President. Parang mahihirapan na ako dahil na rin sa dami ng majors ko ngayon. sana lang makaya ko.

Hanggang dito na lang ulit!

Bye! God bless me, my family, friends, and all the readers of this blog!

Thursday, June 17, 2004

Law...

"Find your destiny... Serendipity..."

I had my first class in law yesterday... Naiinis ako sa sarili ko kasi pinayagan kong talunin ng takot yung confidence ko na makapagsalita sa harap ng professor... Natatakot kasi ako sa prof namin...

Ako ang kaunahang tinawag sa aming mga Accountancy majors... Eh natakot talaga ako dahil sa mga kwento... Pero nag-aral ako talaga... In fact, gabing-gabi na nga ako natulog dahil sa pag-aaral dun eh... Although I admit na meron akong mga ilang hindi naintindihan. Tapos tinanong na ako... Dahil sa kaba ko eh hindi ko masabi yung sagot... Sayang talaga... Alam ko pa naman sana.. Kasi pinadistinguish sa akin yung MORAL LAW at saka yung NATURAL LAW. Pinagaraan ko yun eh. Kaso parang nawala lahat nung nakatayo na ako sa harapan ng professor.

Sana hindi na maulit yung nangyari... Promise ko sa sarili ko na pag-aaralan kong mabuti yung law at hindi ko na hahayaan pang maulit yung bagay na yun... Kasi, nahihiya talaga ako dahil alam ko ring malaki ang expectations sa akin ng iba saka parang fall para sa akin yun...

Buti na lang pala at nandyan sina Tristan, Divine, Jobelle, Dez, Gena, Jojo, Kris, Natz, saka iba ko pang tropa and classmates para icomfort ako... Salamat talaga! At least nawala yung lungkot na nararamdaman ko...

Monday, June 14, 2004

Its Okey...

Wala lang... Kahapon eh nainis ako ng konti kasi I have a friend na pinulaan yung kanta namin nung LTS... Sa bagay, who knows kung pangit naman talaga kaya lang sarcastic lang din yung mga nakausap kong nauna... And siguro niloloko lang ako nun... Tropa ko naman kasi yun and close kami... Pero okey lang naman yun eh... Wala na yun... Parang naguluhan lang ako kasi alam nyo yun... Kung nakita ko na ayos naman, magkakaroon ako ng strength para magperform ulit... Kumbaga, self confidence...
Anywayz... Nagsimula na ang class at ang dami naming major... Ang hirap... Sana makaya ko... God bless sa akin saka sa mga classmates ko pati na rin sa family ko...
Hope, makakuha pa rin ako ng right grade para maabot ko yung scholarship ko...

Thursday, June 10, 2004

This is the best!!! 2

Kumanta rin kami ng song... yung HARANA ng AKAFELLAS... Ako, si Paul, Divine, Berna, Almada, Tsai, at saka si Kath... Ang ganda ng rhythm ng kanta pati na rin ng blending ng boses. Tapos pinagspaghetti nila ako na sayaw para magpatawa... Even though this is my first time to do this, nasayahan ako at talagang nag-enjoy... Na-feel ko kasi yung company within a team...
Habang nakatakip yung scarf sa mga mata namin at naghihintay sa mga activities and test na gagawin namin, nagkantahan kami ni Kath... Kinanta nya yung Dont Know What To Do Dont Know What To Say... Ang galing nga eh... Tapos yung Destiny, Even If, at iba pa... Ako ang nagrerequest ng mga kakantahin nya...
Kasama din sina Jobelle, Gena, Tim, Loanne, Rose Marie, Edhen, Paula, Shikai, Angge, at marami pang iba...
Nakilala ko rin si Maki na makulit pero mabait... CBASC Offier din siya at nakita ko na responsible at talagang dedicated din siya... Nakakatuwa nga eh.. Favorite nya yung kanta na Fallin... Tapos yung panlalaking version pa...
Si Kuya Sancho... Mas nakita ko yung dedication nya sa pamumuno sa CBA... Mas nakita ko na talagang nasa kanya yung blood ng isang tunay na leader and I really commend him for that... I will support him and I hope na magsucceed sya at ang buong CBA Family...
Thank you po God kasi binigay nyo sa akin ang pagkakataong maranasan toh...

This is the best!!!

I attended the ECHO-LTS seminar... Masasabi ko, this is the best! I learned a lot! We had the best group (well, i suppose)... Ang galing... At ang dami kong nakilala... May mga bago akong kaibigan at kasama in serving others. I have new friends from the CBASC and from other organizations in the College.
Natutuhan ko yung tamang attitude ng isang leader... Na dapat laging present yung pagtutulungan sa isang grupo... Yung camaraderie at cooperation... Yung sensitivity ng bawat isa... and most of all, yung faith mo sa kapwa mo leader and syempre pati sa mga members.
May isang bagay na nabago din sa akin... Dati kasi eh hindi ako madaling magtiwala sa tao... Alam nyo yun... Pero because of an activity which is yung TRUST WALK, natuto akong magtiwala sa iba na hindi nila ako ipapahamak. Nakapiring ako na lumalakad kasama yung ibang team members. Ako ang leader at nakahawak lang sila lahat sa likod ko. From the CTH Kubo hanggang sa 5th floor ng CBA eh naglakad kami ng nakapiring at ang tanging sinusundan ko lang eh yung tunog ng palakpak ng facilitator. Ang galing nga kasi nakakasunod ako at ibinigay ko na talaga sa kanya yung tiwala ko... Ayun, we came safe sa taas ng building. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko yun eh.
Ang galing talaga...

Monday, June 07, 2004

Hectic...

We are very busy doing our jobs in JPIA... We usually go to school even though we dont have classes coz we need to conduct meetings, pass some paper works, and work for plans and projects of the organization. I just wish that we could finish all the tasks and I hope that we could also obtain successful results...

My Org... Posted by Hello

I love you!!!

TRUE LOVE...
A girl asked a guy if he thought she was pretty...
he said...no.

She asked him if he would want to be with her forever...
and he said no.

She then asked him if she were to leave would he cry,
and once again he replied with a no.

She had heard enough.

As she walked away, tears streaming down her face
the boy grabbed her arm and said....

You're not pretty you're beautiful.

I dont want to be with you forever. I NEED to be with you forever.

And I wouldnt cry if you walked away...I'd die...